Back to 2024 Filipino Worship Service Weekly List

True Life Bible-Presbyterian Church
FILIPINO WORSHIP SERVICE

On Sundays, 10.30am, at RELC Level 6, Room 605.
Please contact Bro Jose Lagapa: 81853623 anytime.


Mahal na mga Kapatid at Kaibigan,

Welcome po sa Filipino Worship Service!

We will start another new semester in the Bible Equipping School of Theology (BEST) tomorrow. For those who have not registered, you still have time to do it. We have various subjects to learn from. We will have a series of studies on women missionaries to encourage us to give our lives to serve the Lord. We will also study the Modern Attacks Against Christianity, a very relevant subject especially in these last days! Malachi is an important Old Testament book that we should learn. The Westminster Shorter Catechism will be given to end its series. A Survey of the Bible will also be offered, introducing the background of the 66 books of the Bible.

Ang Pagsusuri ng Bibliya (A Survey of the Bible)

Ang isang magandang paraan sa pagsusuri ng Bibliya ay hindi madaling gawin. Ang Bibliya ay binubuo ng 2 Tipan na mayroong 66 na iba't ibang aklat. Saklaw ng iba't ibang aklat ng Bibliya ang iba't ibang paksa na isinulat para sa iba't ibang grupo. Ang mga aklat ng Bibliya ay nasulat sa loob ng humigit kumulang na 1500 taon. Ang pagsusuri sa buong Bibliya ay tunay na isang malaking trabaho.

Gayundin naman, ang Banal na Espiritu ang "kumasi" sa mga manunulat ng Bibliya. "Hiningahan" ng Diyos ang Kanyang Salita at ginamit ang mga propeta at mga apostol upang ipasulat ang Kanyang mga sinabi (2 Timoteo 3:16–17; 2 Pedro 1:21). Bukod dito, ang lahat ng mga naglagak ng kanilang pagtitiwala sa Panginoong Hesu Kristo ay pinanahanan ng Banal na Espiritu (Roma 8:9; 1 Corinto 12:13). Nais ng Banal na Espiritu na tulungan tayo na maunawaan ang Bibliya (1 Corinto 2:10–16).

Layunin ng pagsusuri ng Bibliya na magbigay ng simpleng paglalahad ng kasaysayan at mensahe ng bawat aklat ng Bibliya. Para sa bawat aklat ng Bibliya, ilalahad kung sino ang manunulat, ang panahon ng pagkasulat, ano ang layunin ng sulat, ang mga susing talata, at maiksing pagbubuod ng aklat. Inaasahan namin na ang aming seksyon ng pagsusuri ng Bibliya ay makatutulong upang higit pa nating maunawaan ang Bibliya at himukin ang lahat na patuloy na mag-aral ng Bibliya sa isang mas malalim na kaparaanan.

Bakit Kailangan ang Pagsusuri ng Bibliya?

Bago tayo pumasok sa mga hakbang ng pagsusuri ng Bibliya, mahalagang pag-usapan muna kung bakit gustong nating gawin ito. Ibig kong sabihin, bakit hindi natin basahin ang mga pambungad sa Bibliya at masiyahan sa mga sinusulat doon? Bagama't tiyak na isang paraan iyon, at isa na ginamit sa nakararami, ngunit hindi ito nagbibigay ng pangmatagalang pakinabang sa ating espirituwal na paglago. Kaya, narito ang ilang dahilan kung bakit mahalaga ang ating pagsusuri ng Bibliya:

• Ang isang pagsusuri ng Bibliya ay naghahanda sa atin para sa isang malalim na pag-aaral ng isang aklat ng Bibliya
• Ito ay naghahamon sa atin na pag-isipan ang pagkakasulat ng mga aklat ng Bibliya. Kung bakit inayos ito sa isang natatanging pamamaraan ng may-akda at kung ano ang mga bagay na sinulat nito.
• Ito ay tumutulong sa atin na malaman kung aling mga aklat ng Bibliya ang ating babasahin kapag nahaharap sa mahihirap na kalagayan sa buhay,
• Ang pag-alam sa mga pangunahing kaalaman ng isang aklat ay nakakatulong sa lahat ng bahagi ng pag-aaral ng buong Bibliya,
• Ang kaalamang natamo mula sa mga pagsusuri ng Bibliya ay maaaring magpapalakas ng ating personal na paglago at pamamahagi ng ebanghelyo,
• Nakatutulong din ang mga pagsusuri ng Bibliya sa pagsasaulo ng mga bersikulo ng Kasulatan,

Mayroong pang maraming mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsusuri ng Bibliya. Higit sa ito ay makatutulong sa ating kaalaman sa Bibliya, sa kabuuan, ang pangkalahatang palagay ng bawat aklat ng Bibliya ay nagsasanay sa atin na pag-aralan ang Salita ng Diyos.

Ang Lumang Tipan

Ang Lumang Tipan ay nahahati sa limang bahagi: ang Pentateuch (Genesis hanggang Deuteronomio), ang mga Makasaysayang Aklat (Joshua hanggang Esther), ang mga Aklat na Patula (Job hanggang Awit ni Solomon), ang Mga Pangunahing Propeta (Isaias hanggang Daniel), at ang Minor na mga Propeta (Oseas hanggang Malakias). Ang Lumang Tipan ay isinulat mula sa humigit-kumulang 1400 B.C. hanggang humigit-kumulang 400 B.C. Pangunahing isinulat ang Lumang Tipan sa Hebreo, na may ilang maliliit na seksyon na nakasulat sa Aramaic (wika ng Babilonia).

Ang Lumang Tipan ay pangunahing tumatalakay sa relasyon sa pagitan ng Diyos at ng bansang Israel. Ang Pentateuch ay nagpapahayag sa paglikha ng mundo at ang pakikipagtipan ng Diyos sa Israel. Itinala ng mga makasaysayang aklat ang kasaysayan ng Israel, ang mga tagumpay, ang mga pagkatalo at ang mga kabiguan nito. Ang mga aklat na patula ay nagbibigay sa atin ng mas malalim na pagtingin sa relasyon ng Diyos sa Israel at sa Kanyang pagnanasa para sa Israel na sumamba at sumunod sa Kanya. Ang mga aklat ng propeta ay ang tawag ng Diyos sa Israel na magsisi mula sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at sa kanilang walang katapatan sa Kaniya, na sila ay bumalik sa pagsunod ng Diyos.

Ang Bagong Tipan

Ang Bagong Tipan ay nahahati sa apat na mga bahagi: ang mga Ebanghelyo (Mateo hanggang Juan), Kasaysayan (aklat ng Mga Gawa ng Mga Apostol), ang Mga Sulat ng Mga Apostol (ni Pablo, Pedro, Santiago, Juan at Jude, mula sa Roman hanggang Jude), at ang Propesiya (ang aklat ng Pahayag). Ang Bagong Tipan ay isinulat mula humigit-kumulang A.D. 45 hanggang humigit-kumulang A.D. 95. Ang Bagong Tipan ay isinulat sa Karaniwang Griyego, ang pang-araw-araw na wika noong unang siglo A.D.

Ang mga Ebanghelyo ay nagbibigay sa atin ng apat na magkakaibang, ngunit hindi magkasalungat na mga ulat ng kapanganakan, buhay, ministeryo, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ang mga Ebanghelyo ay nagpapakita kung paano si Jesus ang ipinangakong Mesiyas ng Lumang Tipan. Inilatag dito ang batayan para sa pagtuturo ng iba pang bahagi ng Bagong Tipan. Nakatala sa aklat ng Mga Gawa ang mga ginawa ng mga apostol ni Jesus, ang mga lalaking ipinadala ni Jesus sa mundo upang ipahayag ang Ebanghelyo ng kaligtasan. Sinasabi sa atin ng Mga Gawa ang pasimula ng simbahan at ang mabilis na paglago nito noong unang siglo A.D. Ito ang nqgbibigay pahayag kung bakit mayroong mga sulat ng mga apostol katulad nila Pablo, Pedro at iba pa. Ang Mga Sulat ng Mga Apostol, ay mga liham sa mga partikular na simbahan, rehiyon o tao na nagbibigay ng opisyal na doktrinang Kristiyano at ang mga gawaing dapat sundin sa doktrinang iyon. Ito ay nagtuturo paano gagawin ang kalooban ng Panginoon. Ang aklat ng Pahayag ay hinuhulaan ang mga pangyayaring magaganap sa huling panahon.

Ang pagsusuri sa Bibliya ay isang kapaki-pakinabang sa espirituwal na paglago ng isang mananampalataya. Ako ay nananalangin at umaasa na ang pagsusuring ito ay makatutulong sa iyong paglago sa biyaya at kaalaman ni Cristo at magbibigay ng katatagan sa pananampalatayang Kristiyano kasama ang mga praktikal na resulta na dapat sundin sa turong iyon.

1 Goldhill Plaza, #03-35, S(308899)
admin@truelifebpc.org.sg
6254 1287

© 2024 True Life Bible-Presbyterian Church