Back to 2024 Filipino Worship Service Weekly List

True Life Bible-Presbyterian Church
FILIPINO WORSHIP SERVICE

On Sundays, 10.30am, at RELC Level 6, Room 601.
Please contact Bro Jose Lagapa: 81853623 anytime.


Mahal na mga Kapatid at Kaibigan,

Welcome po sa Filipino Worship Service!

Ito ang katapusang bahagi ng pagsasalin sa Tagalog ng artikulo ng ating Pastor, The Rev Dr Jeffrey Khoo, na may pamagat sa English na, “CHRISTLIKE SERVICE IN A CHRISTLESS WORLD” (TLBPC Weekly, Vol. XXI No. 18, 28 January 2024).

PAGLILINGKOD KATULAD NI KRISTO SA ISANG MUNDONG WALANG KRISTO (2/2)

Nagsalita si Jesus ng katotohanan nang walang pag-aalinlangan, nang walang takot sa mga sumasalungat sa Kaniya at gustong pumatay sa Kaniya. Hinangad niyang bigyang kasiyahan ang Diyos lamang. Hindi niya hinangad ang papuri ng mga tao. Gusto lang niyang luwalhatiin ang Kanyang Ama sa langit sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan.

Ipinagmamalaki ng mga hindi naniniwalang Judio ang kanilang sarili bilang mga anak ni Abraham, ngunit sinabi sa kanila ni Jesus sa Juan 8:39, “Kung kayo nga ay ang mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham” (sa madaling salita, “naniniwala kayo sa aking mga salita”), bersikulo 56, “Ang inyong amang si Abraham ay nagalak na makita ang aking araw: at nakita niya, at natuwa.” Naniwala si Abraham sa pangako ng Diyos na isang Tagapagligtas, tumingin sa darating na Cristo, at naligtas. Hinamon nila si Jesus, “Ikaw ay hindi pa limampung taong gulang, at iyo na bang nakita si Abraham?” (8:57). Siyempre, alam ni Jesus ang tungkol sa pananampalataya ni Abraham dahil Siya ang Diyos Mismo, lahat ay nakakaalam, at lahat ay nakakakita. “Bago si Abraham, ako na nga.” (8:58). "Ako ay Diyos!" Dahil sa pagsasalita ng katotohanan, binato nila Siya.

Ngunit obserbahan ang pag-ibig at kababaang-loob ni Jesus. Bilang Diyos, maaari sana Niyang utusan ang apoy na bumaba mula sa langit upang sunugin sila, ngunit hindi Niya ginawa. Kahit na Siya ay napahiya, hindi Siya gumanti. “Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Kaniyang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan; ngunit upang ang sanglibutan sa pamamagitan Niya nawa ay maligtas” (Juan 3:17). Sa pagpapakumbaba, “itinago ni Jesus and kaniyang sarili, at lumabas mula sa templo, na nagdaan sa kalagitnaan nila…” (Juan 8:59).

Nagpakita si Jesus ng halimbawa para sa atin. Kung may sinabi o nagawa laban sa atin nang hindi makatarungan at nagdulot sa atin ng matinding pananakit at pinsala, maging mapagmahal at mapagpakumbaba, handang magpatawad at lumimot. Ngunit kung tungkol sa katotohanan, dapat walang kompromiso. "Sapagka’t kami ay walang-anumang magagawa laban sa katotohanan, kundi para sa katotohanan." (2 Corinto 13:8). “At makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32). Hindi tayo naririto upang bigyang-kasiyahan ang mga tao kundi ang Diyos, sapagkat kung hahanapin nating kasiyahan ng mga tao, hindi tayo mga lingkod ng Diyos (Galacia 1:10).

Paglingkuran ang Panginoon sa Pamamagitan ng Paghahanap sa Naliligaw, Hindi Kalimutan ang Nangangailangan

Bagama't si Jesus ay binato habang Siya ay umalis sa di-sumasampalatayang karamihan, hindi Siya naawa sa Kanyang sarili. Hindi siya nalulunod sa awa sa sarili. Dahil hindi nila Siya gusto, umalis Siya upang hanapin ang mga nangangailangan sa Kanya. At hindi pa nga Siya nakakalayo ay nakita na Niya ang bulag na lalaking ito.

Mabilis na hinatulan ng kanyang mga alagad na ang lalaking ito. “At itinanong siya sa kaniyang mga disipulo, na sinasabing, Guro, sino ba ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya ay ipanganak na bulag?” (Juan 9:2). Nagkaroon sila ng espiritung mapagmatuwid sa sarili. Ngunit si Jesus ay puno ng habag. Siya ang matuwid na Hukom at sinabi na ang lahat ng ito ay para sa ikaluluwalhati ng Diyos - “upang ang mga gawa ng Diyos ay dapat maging hayag sa kaniya” (v.3). Ang Diyos ang may kontrol sa lahat ng bagay, at ginagamit ang lahat ng bagay upang matupad ang Kanyang layunin. “Kilala sa Diyos ang lahat ng kaniyang mga gawa mula sa pasimula ng sanlibutan” (Gawa 15:18).

Kaya, ang Panginoong Jesus ay pinagaling ang bulag na lalaking ito nang mahimalang paggamit ng Kaniyang dura na hinaluan ng putik sa lupa, at inutusan siyang hugasan ang kanyang mga mata sa lawa ng Siloam. Ang bulag na ito ay sumunod lamang at gumaling. Ginawa ni Jesus ang himalang ito para ituro ang isang mahalagang katotohanan tungkol sa Kanyang sarili na Siya ang “liwanag ng sanlibutan” (Juan 9:5). Sinabi niya ito noon sa Juan 8:12, “Ako ang liwanag ng sanlibutan: siya na sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.” Itinuturo ni Jesus sa mga tao na kung gaano Niya kayang gawin ang isang tao na ipinanganak na walang mga mata upang makakita, gayon din ay magagawa Niya ang mga ipinanganak sa kasalanan, ipinanganak na walang espirituwal na paningin, upang makita ang mga kamangha-manghang katotohanan mula sa bibig ng Diyos. at makahanap ng buhay na walang hanggan.

Si Jesus ang liwanag ng buhay dahil Siya ang Salita ng buhay—ang Kanyang mga salita ay nagbibigay buhay. “Ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang, kundi pamamagitan ng bawa’t salita na lumalabas sa bibig ng Diyos.” (Mateo 4:4). Ang dura ni Jesus ay sumisimbolo sa Kanyang Salita—pagagalingin tayo ng Kanyang Salita at ipapakita sa atin. Kung naniniwala tayo sa Kanyang Salita tulad sa bulag na tao, makakakita tayo. Kung hindi tayo maniniwala, tulad ng mga tumawag at bumato sa Kaniya, mananatili tayong bulag. Hindi tayo makakakita para maniwala, naniniwala tayo para makakakita.

Mga kaibigan, nakakakita ba kayo? Kung sasabihin mong nakakakita kayo, bakit nabubuhay pa rin kayo sa kasalanan? Kung sasabihin ninyong nakakakita kayo, bakit hindi pa rin kayo naniniwala?

Habang papalapit tayo sa katapusan ng mundong ito at sa nalalapit na pagbabalik ng Panginoon, nawa'y aminin natin at pagsisihan ang ating mga kasalanan, at muling italaga ang ating mga puso sa Diyos. Lahat tayo ay nangangailangan sa Panginoon. Nawa'y bumalik tayo sa Kanya para sa pagsamba at paglilingkod, “Hindi pinababayaan ang sama-sama nating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba; kundi tinatagubilinan ang isa't isa: at lalong higit, gaya ng nakikita ninyong ang araw ay papalapit na." (Hebreo 10:25).

Huwag mananatiling bulag sa iyong kasalanan at kawalan ng pananampalataya. Hilingin sa Panginoong Jesucristo na buksan ang iyong mga mata upang makakita ka. At huwag tumigil doon. Sisiguraduhing babalik ka sa Salita ng Diyos, upang pag-aralan ito, pagnilayan ito, ilapat ito. Pumunta sa simbahan, dumalo sa Sunday school, FEBC classes, prayer meetings, fellowship meetings atbp. Isang himala ang mangyayari sa ating buhay kung hahayaan nating ang Salita ng Diyos ay manahan sa atin nang sagana. Halina't uminom ng gatas, kumain ng karne na nasa dalisay at perpektong Salita ng Diyos. Bakit hindi pumasok sa FEBC at ihanda ang iyong sarili sa buong-panahong paglilingkod sa Panginoon?

Hindi nakakalimutan ni Jesus ang nangangailangan. Sino ang mga nangangailangan ngayon? Sila ang naliligaw—yaong mga wala pa ring Jesu-Cristo sa kanilang buhay. Halina't sabihin natin sa kanila ang mabuting balita ng kaligtasan. Magkaroon tayo ng isang malugod na ngiti sa mga darating para sa ating mga serbisyo sa Linggo lalo na sa mga unang dumating. Ang nangangailangan ay ang mga Kristiyanong mangmang, na nasa mga simbahan na hindi nagtuturo ng buong payo ng Diyos. Ibigay sa kanila ang ating mga aklat at magasin, at tulungan silang makakakita sa liwanag ng Katotohanan ng Diyos.

Tularan natin ang halimbawa ni Jesus sa ating paglilingkod sa Diyos.

(1) Sabihin natin ang Katotohanan ng Salita ng Diyos, hindi hinahanap ang papuri ng tao kundi ng Diyos. Walang pakialam ang Panginoon sa papuri ng mga tao kundi sa Kanyang Ama na nasa langit. Sinabi niya ang katotohanan nang matatag at maibigin pa. Kung ano ang sinasabi ng Ama, sinasabi ng Anak. Hanapin natin ang pagsang-ayon ng Diyos, hindi ang papuri ng tao.

(2) Tulungan natin ang mga hindi pa rin nakakakita, na makita ang katotohanan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Panginoon, bagama't Siya ay nasaktan at nasugatan, na binato, ay hindi inalagaan ang Kanyang sarili, ngunit ang mga pangangailangan ng iba—upang bigyan sila ng liwanag at buhay na Siya lamang ang makapagbibigay. Kailangan nating patatagin hindi lamang ang ating sariling pananampalataya kundi pati na rin ang pananampalataya ng iba. Kailangan nating malaman nang mabuti ang Salita ng Diyos upang hindi lamang natin maiwasan ang ating sarili mula sa kapahamakan at panganib sa mga huling panahon na ito, kundi pati na rin sa mga nakakarinig sa atin.

Dapat kong gawin ang mga gawa niya na nagsugo sa akin, samantalang araw: ang gabi ay dumarating, kapag walang taong makagagawa” (Juan 9:4).

1 Goldhill Plaza, #03-35, S(308899)
admin@truelifebpc.org.sg
6254 1287

© 2024 True Life Bible-Presbyterian Church