Back to 2024 Filipino Worship Service Weekly List

True Life Bible-Presbyterian Church
FILIPINO WORSHIP SERVICE

On Sundays, 10.30am, at RELC Level 6, Room 605.
Please contact Bro Jose Lagapa: 81853623 anytime.


Mahal na mga Kapatid at Kaibigan,

Welcome po sa Filipino Worship Service!

Basahin po natin ang isinaling artikulo sa ibaba na isang sipi ng sermon ni Charles Spurgeon na pinamagatang “Following Christ” na hango sa Juan 21:22 (https://www.thekingdomcollective.com/spurgeon/sermon/3057/)

ANG PANGUNAHING GAWAIN NG ATING BUHAY AY ANG PAGSUNOD SA PANGINOON

Masasabi ko sa bawa’t isa sa inyo na ang pangunahing bagay na kailangan ninyong gawin sa mundong ito ay ang pagsunod kay Kristo. Kailangang matagpuan ninyo Siya bilang inyong Tagapagligtas. Sa madaling salita, ang unang bagay na dapat ninyong gagawin ay magtiwala sa Kanya. Nabubuhay tayo sa walang kabuluhan kung hindi tayo nabubuhay sa Diyos. Kung hindi tayo nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, ang nag-iisang Tagapagligtas, tayo ay "Mabuhay nang walang kabuluhan." Ngunit sasabihin ko sa inyo, “Mas mabuti pa para sa inyo, at para sa akin din, na hindi tayo isinilang kung tayo ay mabubuhay at mamamatay nang walang pananampalataya kay Jesucristo! Maaari mong pabayaan ang iyong negosyo, maaari mong pabayaan kung ano ang gusto mo — ngunit huwag mong pabayaan ang iyong kaluluwa. Una, una, UNA at higit pa at bago ang lahat - ang dapat na usapin ay ang iyong sariling personal na kaligtasan! Sa pagbaba ng sasakyan, maaaring makalimutan mo ang iyong bagahe at maraming mahalagang kayamanan ang maiiwan. Ito ay para sa kanyang makamundong buhay na siya ay mag-aalala. Maging si Satanas ay nagsalita ng katotohanan minsan nang sabihin niyang, “Balat para sa balat, oo, lahat ng mayroon ang tao ay ibibigay niya para sa kanyang buhay.” Hayaan itong maging gayon sa inyo na gagawin ang iyong unang pag-aalaga para sa iyong kaluluwa, sapagkat ano ang mapapakinabang mo kung makamit mo ang buong mundo at mawala ang iyong sariling kaluluwa? Kaya't ang unang bagay na dapat mong gawin ay sundin si Cristo para sa kaligtasan—tumingin sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya, bilang pagsunod sa utos ng Apostol, "Maniwala ka sa Panginoong Jesucristo, at ikaw ay maliligtas."

Ang pagpapaliban ay madalas na pumapasok upang maging sanhi ng walang pag-aabala sa Ebanghelyo na tila ito ay hindi gaanong seryoso. "Maraming oras pa," sabi natin. "Medyo bata pa kami at marami pa kaming taon para isipin ang mga bagay na ito." May isa pang anak na babae na ikakasal, kaya ilang libong peso pa ang dapat itabi. At pagkatapos ay kapag magreretiro na, diyan mo pa iisipin ang tungkol sa “pakikipagpayapaan sa Diyos”— na parang wala sa iyo na ikaw ay isang “nahatulan na” dahil ikaw ay “hindi naniniwala sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos,” at para bang isang bagay na walang kabuluhan sa iyo ang maging kaaway ka ng Diyos at hindi pa ligtas sa loob ng 50 o 60 taon ng paggawa ng kasalanan. Bakit, wala bang Impiyerno? Ang kasalanan ay isang napakasamang bagay na nais mong makatakas mula rito at katatakutan ito habang kinakatakutan mo ngayon ang mga pasakit nito? Iyon sana ang magtutulak sa ating mga tuhod at hindi tayo maglakas-loob na lumabas dito sa siimbahang ito na hindi ligtas.

Kailangan ko ring sabihin na pagkatapos nating maligtas, ang pangunahing gawain ng ating buhay ay ang pagsunod kay Cristo. Kapag ang kasalanan natin ay pinapatawad at ang walang hanggang kaligtasan ng kaluluwa ay natitiyak, ang susunod na bagay ay ang hangarin ang kadalisayan ng kaluluwa at ang pagkakaroon ng isang katangiang nararapat na taglayin sa buong kawalang-hanggan. Walang ugali na nararapat taglayin na hindi nahubog ayon sa Katangian ni Cristo. Siya ang ganap na pagiging perpekto! Sa Kanya ay walang kalabisan at mula sa Kanya ay walang tinatanggal na dapat na naroon. Upang maging perpekto, dapat tayong maging katulad ni Jesus. “Tumingin kay Jesus, ang May-akda at Tagapagtapos ng ating pananampalataya,” dapat nating talunin ang kasalanan at daigin ang pagnanasa at, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Ang isang bagay na dapat nating tunguhin ay ang tumapak sa mga yapak ni Cristo, na gawin ang Kanyang ginawa at maging katulad Niya sa gitna ng mga tao. Kung ako ay isang Kristiyano, ako ay huhubugin sa pag-iisip, mga salita, katangian at mga kilos ayon sa modelo ni Cristo!

Ang Batas ng Dios ang maaring kabuuan ng ating paglilingkod sa buhay. Kung gagawa ayon sa kung paano tayo nilikha— bilang mga punong itinanim ng Diyos, tayo ay magbubunga ng bunga na nais Niyang ipamunga natin, kailangan nating sundin si Jesucristo! Tayo ay ipinadala sa mundo, sa ilalim Niya, sa dakilang gawain ng paghahanap sa nawawala — ang ilan ay mula sa pulpito, ngunit ang bawat Kristiyano ay mula sa isang lugar o iba pa. Sa bawat indibiduwal na Mananampalataya, si Cristo ay nagbigay ng isang posisyon na hindi kayang gagawin ng iba at mula sa posisyong iyon ay maimpluwensyahan niya ang ibang tao o mga tao na pagpapalain ng Diyos sa pamamagitan niya. Hindi ako naniniwala na ang sinumang Kristiyano ay nilikha para lamang magpanatili ang isang tindahan - siya ay nilikha upang maglingkod sa Diyos sa kanyang pangangalakal. Sa kabila ng lahat ng kasalanan ng tao, siya ay napakarangal na ginawa ng Diyos na hindi siya maaaring nilayon lamang na magsukat ng mga yarda ng seda, o magtimbang ng ilang kilong asukal, o magwalis ng mga tawiran sa lansangan, o magsuot ng mga korona, damit at diamante. May isang bagay na mas dakila pa sa gagawin ng tao! Ang maliliit na ibon ay ginawang umawit ng mga papuri sa Diyos, at tayo na higit na mahalaga kaysa sa maraming maya, ay dapat na umawit din ng mga papuri sa Diyos! Ito ay totoo lalo na tungkol sa atin na nag-aangking tinubos ng mahalagang dugo ni Cristo at binuhay ng Banal na Espiritu. Ang ating buhay ay may pananaw patungo sa Walang-hanggan — may mga bintana sa ating buhay na tumitingin sa Diyos. Ingatan ang mga ito, O Kristiyano! Habang nakabukas ang iyong mga bintana patungo sa Diyos, mamuhay sa liwanag ng Kanyang Mukha at hanapin sa lahat ng bagay na pasayahin at parangalan Siya! Iyong gawain sa buhay ang parangalan ang Diyos, ang luwalhatiin ang Panginoong Jesucristo, ang maging instrumento kung saan ipapakita ng Diyos ang Kanyang makapangyarihang kapangyarihan—ang itim na mantel kung saan Kanyang ipapakita ang ningning ng Kanyang Biyaya. Kayo ang magiging paraan ng pagpapalaganap sa mundong ito ng sarap ng pangalan ni Cristo-ngunit hindi mo magagawa ito maliban kung susundin mo si Cristo.

At, tandaan mo, ang sa bawat isa sa atin ay may espesyal na bokasyon kung saan maaari nating sundin si Cristo. Hindi ako naniniwala na lahat kayo ay susunod kay Cristo kung susubukan ninyong mangaral. Kahit si Cristo ay hindi kailanman nagtangka na gawin ang hindi nilayon ng Kanyang Ama na gawin Niya. Ang isang kagandahan ng buhay ni Cristo ay ang Kanyang pagsunod sa Kanyang tungkulin at hindi lumampas sa Kanyang tungkulin. At magiging matalino ka kung gagawin mo rin iyon. Kung ikaw ay isang lingkod, maaari mong sundin si Cristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa kaaliwan ng lahat. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang partikular na pagtawag at ang bawat tawag sa Kristiyano ay dapat na para sa Diyos. Ang isa ay tinawag sa larangan ng misyon—hayaan siyang pumunta, sa pangalan ng Diyos, sa mga malalayong rehiyon—huwag siyang manatili sa bahay. Ang isa pa ay tinawag upang pumunta sa bahay-bahay upang bisitahin ang mga maysakit, upang alagaan ang mga mahihirap at iba pa, inaanyayahan kitang manatili sa iyong sariling gawain at hindi kailanman tatakas mula dito! Ang isa ay tinawag upang magturo ng isang klase ng sanggol at ang isa ay para pangalagaan ang mga batang lalaki o babae—ang lahat ay nababagay sa gawain kung saan sila ay tinawag ng Diyos. At sa bawat isa ay sinasabi ng Guro, “Sumunod kayo sa Akin at manatili sa gawaing ibinigay sa inyo ng Aking Ama na gawin ninyo, kung paanong hindi Ko kinalulugdan ang Aking Sarili sa pamamagitan ng pagpili sa Aking sariling gawain, kundi ginawa Ko ang itinakda ng Aking Ama para sa Akin.”

Please pray for the Filipino students in FEBC that they be faithful, enduring, Bible-obeying and Christ-like servants of the Lord!

1 Goldhill Plaza, #03-35, S(308899)
admin@truelifebpc.org.sg
6254 1287

© 2024 True Life Bible-Presbyterian Church