Back to 2021 Filipino Bible Fellowship Weekly List

True Life Bible-Presbyterian Church
FILIPINO BIBLE FELLOWSHIP

On Sundays at 3pm. Please contact Bro Jose Lagapa: 81853623 anytime.


Dear Brethren and Friends,

Welcome to the Filipino Bible Fellowship!

The Lord is good to preserve and protect us! We must give thanks to Him for these favours. Yet, there are many of our loved-ones, relatives and neighbours in the Philippines who are presently suffering from COVID-19 infections. Let us not forget to pray for them. Let us also pray for our government leaders that God will give them consciences to attend to the needs of the people. Millions are already suffering because they lost their jobs, thousands are infected, and many are dying. Please remember to intercede for our people.

Let us also pray for the church leaders of our country. Many of them have lost sight of their calling. May the Lord help them to remember what the Lord wants them to do. In this time of pandemic, we need leaders whom the Lord had raised to take care of His flock. We are thankful in True Life BPC that the Lord gave us an undershepherd whom He called to serve and feed God’s people with His Word. Let us pray for our Pastor, The Rev Dr Jeffrey Khoo, for wisdom, strength and perseverance. Below is a Tagalog translation of his personal testimony of calling to salvation and service. This was published in TLBPC Weekly on August 8, 2021 (Vol. XVIII No. 45).

ANG HINDI MAPIGILANG TAWAG NG DIYOS (1/2)
(THE IRRESISTIBLE CALL OF GOD)

Pastor Jeffrey Khoo, during his message at the FilBF 5th Anniversary Thanksgiving, 25 July 2021

Kapag ikaw ay tatawagin ng Diyos, ano ang gagawin mo? Anong pwede mong gawin? Wala kang magawa kundi sumunod! Ano ang tawag ng Diyos sa atin? Ano ang gusto ng Diyos na ating gagawin? Alamin na ang tawag ng Diyos ay may dalawang aspeto: Mayroong isang tawag sa kaligtasan at mayroong isang tawag sa paglilingkod.

Ang tawag sa kaligtasan ay itinuro sa 1 Pedro 2:9, ang Diyos ay “tumawag sa inyo palabas sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan.” Tinawag tayo ng Diyos mula sa kadiliman ni Satanas at kasalanan, mula sa mundong puno ng kasinungalingan patungo sa kamangha-manghang kaliwanagan ng ebanghelyo, ng Kanyang katotohanan at ng kaharian ni Cristo. Ang Diyos ay tumatawag sa mga makasalanan upang maging banal. Hindi mapigilan ang tawag na ito. Ito ang ika-4 na punto ng Calvinism — “Irresistible Grace.” Iniligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Hindi tayo karapat-dapat na maligtas. Nararapat lamang sa atin ang paghuhusga at pagkokondena dahil sa ating mga kasalanan. Walang mabuti o karapat-dapat sa atin. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lamang na tayo ay naligtas. Kilala niya tayo bago pa ang pagtatatag sa sanlibutan at mahal Niya tayo sa isang espesyal na paraan at pinili niyang tayong iligtas. Sinasabi sa atin ng Roma 8:30, “…sila na itinalaga niya, ay tinawag din niya sila: at sila na tinawag niya, ay pinawalang-sala rin niya…” Ang hindi mapigilang tawag na ito ay naranasan natin noong naniwala tayo sa ebanghelyo at ipinanganak na muli. Sa Kanyang magandang panahon, inilapit Niya tayo sa Kanya. Sinabi ni Hesus, “Walang tao na makalalapit sa akin, maliban na dalhin siya ng Ama na nagsugo sa akin: at ibabangon ko siya sa huling araw.” (Juan 6:44). Mula sa ating kasalanan tayo ay naging banal at lahat ng ito ay dahil sa hindi mapigilang biyaya ng Diyos.

Sa Mga Taga-Galacia 1:15–16 nagpatotoo si Pablo, “nang magalingin ng Diyos, na siyang nagbukod sa akin musa sa sinapupunan ng aking ina, at tawagin ako sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, na ipahayag ang kaniyang Anak sa akin, upang maipangaral ko siya sa mga pagano…”. Dito, nakikita natin ang tawag ng Diyos sa paglilingkod. Si Matthew Poole ay nagkomento, “Ang apostol dito ay hindi nagsasalita tungkol sa pasiya ng Diyos, na hinirang na siya sa buhay na walang hanggan, ngunit sa pagtukoy sa kanya sa gawain ng isang apostol.” Si Pablo ay tinawag sa biyaya ng Diyos na maging isang mangangaral. Ang ganitong uri ng tawag ay naranasan din ng mga propetang sina Isaias at Jeremias. Pinatunayan ni Isaias, “Tinawag ako ng PANGINOON mula sa sinapupunan; mula sa tiyan ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan. At ginawa niya ang aking bibig na parang matalim na tabak… At sinabi sa akin, Ikaw ay aking lingkod” (Isa 49:1–3). Sinabi ng Diyos kay Jeremias, “Bago kita nilikha sa tiyan ay kilala na kita; at bagoka lumabas mula sa sinapupunan ay pinapabanal kita, at itinalaga kitang isang propeta sa mga bansa.” (Jer 1:5). Ang tawag sa buong-panahong paglilingkod ay nangangailangan ng isang tawag mula sa Diyos sapagkat ito ay hindi isang propesyon o isang trabaho; bokasyon ito — isang pagtawag. Ang tawag sa paglilingkod ay katulad ng tawag sa kaligtasan. Hindi rin ito mapigilan.

Bilang pagpapatotoo, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos na nabubuhay ako ngayon. Dapat ay namatay na ako sa kamusmusan pa lamang. Ang aking ina ay nahirapan noong akoy ipinanganak. Sa maraming kadahilanan ay tumanggi akong lumabas. Ito ay sa KK Hospital, ang taon ay 1964. Ang gynecologist, sa lahat ng mga tao, ay si Dr SH Tow, at kinailangan niyang gumamit ng isang vacuum machine upang maipalabas ako. Masasabi mong pilit akong hiniwalay mula sa sinapupunan ng aking ina. Sinabi sa akin ng aking ina na hindi ako humihinga sa paglabas, ang aking buong katawan ay naging kulay asul. Mabuti at akoy nabuhay. Ito ang kagustuhan ng Diyos na mabuhay ako.

Naging “born again” ako noong pitong taong gulang pa ako. Ito ang aking unang taon sa St Andrew's School. Tiniyak ng aking ama na ako ay papasok sa isang “mission school”. Narinig ko ang ebanghelyo at naniniwala kay Panginoong Jesucristo. Tandang-tanda ko ang araw na iyon. Nasa Primary One ako at ang paaralan ay nagsagawa ng isang Gospel Rally sa Linggo ng Pagbibigay-diin sa Relihiyon. Naiintindihan ko kung bakit ako ay makasalanan at kung paano si Jesus lamang ang makaliligtas sa akin mula sa aking mga kasalanan. Kalaunan ay nabinyagan ako sa isang Lutheran Church sa Queenstown kung saan ako nakatira.

Noong nasa St Andrew's Junior College ako, naisip kong maging isang guro. Nasa Arts faculty ako. Matapos ang aking “'A' Levels” nakakuha ako ng lugar sa National University of Singapore (NUS). Naghahanda ako upang mag-aral ng Ingles, Kasaysayan at Agham Pampulitika. Sa parehong oras ay nagkaroon din ako ng pagnanais na mag-aral ng Teolohiya. Sa katunayan mayroon akong subject na “Divinity” noong nasa JC ako. Ang pagnanais na mag-aral ay lumago at lumago, at naging masidhi. Dapat ba akong magtungo sa unibersidad o dapat akong mag-aral sa Bibliya?

Ngayon, bago ang unibersidad ay ang “National Service”. Bago pa ako natapos sa National Service, nagpasya na akong huwag pumunta sa NUS ngunit sa Far Eastern Bible College (FEBC). Tama ba ang aking desisyon? Hindi, sa palagay ng mga Elder ng aking simbahan. (Ako ay kasapi ng isang ‘Brethren Church’ sa panahon na iyon.) Malakas ang pakiramdam ng mga Elders na dapat ko munang makuha ang aking Bachelor of Arts mula sa NUS, at pagkatapos nito, kung ninanais ko pa rin, ay makapunta ako sa Bible college. Iyon ay isang pagpipilian. Parang isang mabuting pangaral. Makukuha ko ang pinakamahusay sa bawat mundo. Ngunit sinabi ko sa kanila na ang NUS ay hindi isang pagpipilian. Malalim na inuukit ng Panginoon sa aking puso na dapat ko siyang paglingkuran ng buong oras, at ang lohikal na pupuntahan ay ang Bible college upang makuha ang kinakailangang kaalaman at pagsasanay na kailangan ko. Hindi maipaliwanag ang paniniwala na iyan. Hindi mapigilan ang tawag. Kailangan mo lang sumunod kung hindi ay walang kapayapaan. Alam ko kung gumugugol ako ng tatlo o apat na taon sa NUS, ang mga taong iyon ay magiging mga miserableng taon para sa akin. Kaya, dito ay mayroong isang paraan lamang ang para sa akin, walang iba. Ito ay “FEBC, narito ako.” Sumulat ako sa NUS upang kanselahin ang aking lugar, at nagpatala sa FEBC. Nangyari ito noong 1985.

Sa aking unang taon sa FEBC, itinalaga ng punong-guro ang lahat ng mga mag-aaral na basahin ang C H Spurgeon’s “Lectures to My Students.” Paano ko malalaman na sigurado na ako ay tinawag sa buong-panahong paglilingkod? Natutuwa akong basahin ang sinulat ni Spurgeon at sinabi niya, “Ang unang tanda ng makalangit na tawag ay isang matindi, lubhang lubusang pagnanasa para sa trabaho. Ang isang tunay na tawag sa ministeryo ay dapat may isang hindi mapigilan, labis na labis na pananabik at nagngangalit na uhaw sa pagsasabi sa iba kung ano ang ginawa ng Diyos sa ating sariling mga kaluluwa;… 'Huwag pumasok sa ministeryo kung maaari mo itong mapigilan…” Iyon ang tiyak na karanasan ko; Hindi ko mapigilang pumasok sa FEBC. Dapat kong sabihin na ang apat na taon sa FEBC ay ang pinakamahusay at pinakamasayang taon ng aking buhay (Itutuloy…).

1 Goldhill Plaza, #03-35, S(308899)
admin@truelifebpc.org.sg
6254 1287

© 2021 True Life Bible-Presbyterian Church