Back to 2021 Filipino Bible Fellowship Weekly List

True Life Bible-Presbyterian Church
FILIPINO BIBLE FELLOWSHIP

On Sundays at 3pm. Please contact Bro Jose Lagapa: 81853623 anytime.


Dear Brethren and Friends,

Welcome to the Filipino Bible Fellowship!

True faith is active and even, proactive! As we are told in Hebrews 9:27, “And as it is appointed unto men once to die, but after this the judgment…” we should not delay in believing Jesus Christ as Lord and Saviour, who “… was once offered to bear the sins of many; and unto them that look for him shall he appear the second time without sin unto salvation” (Heb 9:28). We thank God for our Bro Loreto Yubat who after his studies in FEBC is now proactively preaching the only way of salvation from the coming fiery judgment. Please pray for him as he starts the Reformed Fundamental Bible Church in Sumpong, Malaybalay, Bukidnon.

Mga Katangian ng Totoong Pananampalataya (ni Thessa B. Lagapa) – 2/2

Nagpapakita ng Isang Magandang Patotoo

Alam ng totoong mananampalataya na kinakailangan na magtaguyod ng isang mabuting patotoo. Nang ang mga pastol nina Abraham at Lot ay nagkaroon ng pagtatalo sa pastulan at tubig para sa kanilang mga baka (Gen. 13:5–12), hindi lamang sila ang apektado. Ang pag-aaway ng mga naniniwala ay hindi lamang sa pagitan nila kundi kasama na rin ang mga miyembro ng kanilang pamilya at pati na rin ang sambahayan ng Diyos. Ang mga masamang mangyayari ay magiging higit pa sa personal. Makakaapekto din ito sa mga interes ng Simbahan mismo. Nabasa natin dito na "ang mga Cananeo at ang mga Pherezeo ay nanirahan noon sa lupain." Ang mga pagano sa paligid ay mga saksi sa pagtatalo, at nakikita nila ang isang hindi kanais-nais na impresyon na nagpamalas ng gayong mga masasamang gawain… Maaring sabihin nila na ang mga pag-uugali ng mga ito ay hindi karapat-dapat sa kanilang pahayag tungkol sa kanilang Diyos. Sa gayon ang katotohanan ay naging masama sa kanilang paningin. Katulad ngayon, ang mga tao sa mundo ay nanonood sa Simbahan, kaya kailangan ang mabuting pag-uugali sa mga totoong mananampalataya.

Alam ni Abraham na ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay hindi dapat makompromiso sa alitan dahil lamang sa kayamanan at pag-aari. Kahit na siya ang mas matandang at may karapatang pumili kung aling lupain ang nais niyang manatili, ang kanyang patotoo ay umudyok sa pagpayag niya kay Lot na unang pumili. Ang kanyang pananampalataya sa mga pangako ng Diyos hinggil sa lupain na ibibigay sa kanya ay sapat na.

Nagtitiwala sa Proteksyon ng Diyos

Matapos piliin ni Lot ang kapatagan ng Jordan at naninirahan sa Sodom, sa kalaunan ay naging bihag siya at ang kanyang pamilya pagkatapos ng isang labanan sa pagitan ng mga hari ng Sodom at sa mag kalaban nito. Nang matanggap ni Abram ang balita na ang kanyang pamangkin ay dinakip, kinuha niya ang kanyang sanay na mga lalake na may bilang na tatlong daa’t labing walong tauhan, at sa tulong ni Aner, Eshcol, at Mamre, ay nakipaglaban kay haring Chedorlaomer at ang kanyang mga tauhan. Tiyak na ang naging proteksyon sa kanila ay dahil sa kamay ng Diyos. Ipinapahayag ni Melchizedek na saserdote: “… pagpalain ang Kataastaasang Diyos, na nagbigay sa iyong mga kaaway sa iyong kamay …" (Gen. 14:20).

Naniniwala din si Abraham na muling protektahan ng Diyos si Lot sa Genesis 18:16–19:29. Ito ang pasiya ng Diyos na wasakin ang lungsod ng Sodom at Gomorrah sanhi ng kanilang lubos na kasamaan at kasalanan. Ipinaalam ang hangarin ng Diyos na puksain ang Sodom at Gomorrah dahil sa kanilang napakalubhang kasalanan na pang-senswal at panlipunan. Si Abraham ay naging tagapamagitan at buong tapang na lumapit sa Diyos upang humingi ng awa. Ang pagdarasal ay nagpapahiwatig ng paniniwala at pananampalataya sa isang Diyos na maawain gayundin ay makatarungan, mahabagin ngunit banal, banayad na Diyos ngunit mahigpit.

Ang dahilan kung bakit patuloy na namagitan si Abraham para kay Lot ay dahil sa kanyang pagtitiwala sa pangako ng Diyos na Siya ang proteksyon sa mga totoong mananampalataya. Alam niya kung sino ang Diyos, at sa gayon ay hiniling niya sa PANGINOON na iligtas ang matuwid.

Niluwalhati ang Diyos sa Pamamagitan ng Pagsamba

Ang banal na komentaryo sa Bagong Tipan ay nagsalita tungkol sa pananampalataya ni Abraham na nagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos (Rom 4:20). Malinaw na nakikita ito sa buong pagtala sa kanyang buhay. Mayroong maraming mga paraan upang luwalhatiin ang Diyos, tulad ng pagsunod at paglilingkod sa Kanya. Ngunit dito pagbigyan-pansin natin kung paano niluwalhati ni Abraham ang Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya. Ang unang pangyayari na nakasulat tungkol kay Abraham na sumasamba sa Diyos ay nasa Genesis 12:7–8. Si Abraham ay nagtayo ng isang dambana at tinawag ang pangalan ng PANGINOON matapos ang unang pagtawag sa kanya ng PANGINOON. Matapos magsisi mula sa kanyang kasalanan ng panlilinlang sa Ehipto, bumalik si Abraham sa unang dambana na kanyang itinayo at tumawag sa pangalan ng PANGINOON (Gen 13:4). Natagpuan muli si Abraham na nagtatayo ng isang dambana sa PANGINOON sa Hebron (Gen 13:18) nang humiwalay si Lot sa kanya.

Ang pinaka-pansin-pansin na halimbawa para sa katangiang ito ng totoong pananampalataya ay sa Genesis 14:20–23 nang binigyang papuri ni Abraham ang Diyos pagkatapos Niyang ibigay ang mga kaaway sa kanyang kamay noong siya’y nakikipagsapalaran upang iligtas si Lot. Si Abraham ay may pananampalataya na lampas sa kayamanan at materyales na inalok sa kanya ng Hari ng Sodom, mayroon siyang mga pag-aari na may higit na malaking halaga sa langit sa itaas. Ang pagkilos ni Abraham sa pagbibigay ng ikasampu kay Melchizedek, ang pari ng kataas-taasang Diyos, ay katumbas ng labis na pasasalamat ng kanyang puso sa Diyos para sa binigay na tagumpay.

Konklusyon

Mula sa buhay ni Abraham, maaaring malaman ng mga naniniwala na (1) ang totoong pananampalataya ay sumusunod sa Diyos sa Kanyang Salita. Ito ay simpleng pananampalatayang tulad ng isang bata. Ang bata ay sumusunod sa salita ng kanyang mga magulang nang literal. Ang isang bata ay simpleng nagbigay ngkanyang tiwala sa mga ipinangako sa kanya. (2) Ang totoong pananampalataya ay nagsisisi pagkatapos nagkasala. Ang isang mananampalataya ay maaaring hindi tuloy-tuloy (nang walang pagkakagambala) na maging tapat, dahil ang tao ay hindi perpekto. Siya ay tiyak na mabibigo sa ilang mga punto hangga't siya ay nasa mundong ito, ngunit ang totoong pananampalataya ay hindi makukontento sa sitwasyong tulad nito. Kapag napagtanto ng isang totoong mananampalataya na siya ay nakagawa ng kasalanan kaagad siyang magsisisi tungkol dito, na nalalaman na hindi ito kinalulugdan ng kanyang Ama sa langit.

(3) Ang tunay na pananampalataya ay sumusunod sa Salita ng Diyos nang tumpak. Maraming mga mananampalataya ay maaaring magprotesta na sinusunod nila ang Diyos, ngunit maaaring sinusunod nila Siya sa maling paraan. Ang isang halimbawa ay maaaring isaalang-alang natin sa pangatlo ng Sampung Utos. Iniutos na igalang ang pangalan ng PANGINOON at huwag itong gamitin nang walang kabuluhan. Maaaring bigyang katwiran ng mananampalataya na hindi sila gumagamit sa pangalan ng Diyos bilang isang sumpa na salita, ngunit maaaring sila ay namuhay ng hindi magandang patotoo, sa kung paano ang kanilang pag-uugali, habang pinapahayag na sila ay mga anak ng Diyos. Iyon ay hindi pa rin pagsunod sa tumpak na utos ng Diyos. Ang totoong pananampalataya ay gugustuhin na kalugdan ang Diyos sa abot ng makakaya ng isang mananampalataya. (4) Ang totoong pananampalataya ay nagpapakita ng isang mabuting patotoo. Ang pagkaalam bilang isang anak ng Diyos, siya ngayon ay tinawag mula sa mundo, mula sa kadiliman upang maging isang saksi ng kamangha-manghang Liwanag. Hindi kayang tiisin ng isang taong sumasampalataya na, na mabuhay ng isang hindi banal at hindi katulad ng buhay ni Cristo. Ang totoong pananampalataya ay may kamalayan na siya ay may pananagutan sa Diyos sa huling araw, sa lahat ng kanyang iniisip, sinasabi, at ginagawa. (5) Ang totoong pananampalataya ay nagtitiwala sa proteksyon ng Diyos. Ito ang pananampalataya sa mga pangako kung sino ang Diyos. Ang Diyos, ang Hari ng mga hari at ang Panginoon ng mga panginoon, ang Tagapaglikha ng langit at lupa, ang makapangyarihan sa lahat, at nasa lahat ng dako nandiyan Siya na tiyak na magbigay ng proteksyon at bantayan ang Kanyang mga anak. Ang Kanyang pagiging Ama sa Langit ay higit pa sa nakahihigit na anumang pagkakaloob, pangangalaga, at pagmamahal na maaalok ng lahat ng mga ama sa mundo. At ang panghuli, (6) ang totoong pananampalataya ay niluluwalhati ang Diyos lamang sa pamamagitan ng kanyang pagsamba. Kinikilala ng totoong mananampalataya ang presensya ng Diyos sa bawat bahagi ng kanyang buhay.

Thursday night Bible studies of our Bro Loreto Yubat in Malaybalay, Bukidnon. They had their first worship service last Lord’s Day, 24 January, with three worshippers.

1 Goldhill Plaza, #03-35, S(308899)
admin@truelifebpc.org.sg
6254 1287

© 2021 True Life Bible-Presbyterian Church